Dahil sa inaasahang pagdagsa ng milyun-milyong deboto sa kapistahan ng traslacion ng Itim na Nazareno, inihayag ng Philippine Coast Guard o PCG na magtatalaga ito ng mga aluminum rescue boats at iba pang mga sasakyan pandagat na magbabantay malapit sa Quiapo.
Ayon kay PCG Spokesman Commander Armand Balilo, magpapatrulya ang mga miyembro ng PCG sa Ilog Pasig para na rin sa seguridad ng mga dadalo sa naturang prusisyon.
Mag-iikot ang mga PCG personnel mula sa special operations group sa paligid ng Quiapo at gayundin sa likod ng Quirino Grandstand kasama na ang ilang K-9 units.
By Jelbert Perdez | Aya Yupangco (Patrol 5)