Nakaalerto na lahat ang tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) para sa inaasahang pagdagsa ng mga pasaherong uuwi sa mga lalawigan ngayong Semana Santa.
Maliban sa pang-seguridad, nakaalerto na rin ang disaster response group ng Coast Guard upang agad makatugon sakaling may hindi inaasahang trahedya o kalamidad.
Umapela sa mga pasahero si Captain Armand Balilo, Spokesman ng Coast Guard na huwag nang sumakay sa mga maliliit na sasakyang pandagat na kolorum o walang permit para bumiyahe.
Binalaan rin ni Balilio ang mga barko laban sa overloading at umapela sa publiko na sundin ang proseso sa mga sasakyan nilang barko para makaiwas sa abala at disgrasya.
—-