Nakaalerto na ang Philippine Coast guard (PCG) sa pagsisimula ng tag-ulan.
Ayon kay Commander Armand Balilo, tagapagsalita ng Coast Guard, pinaiimbentaryo ni PCG Commandant Admiral Rodolfo Isorena sa lahat ng distrito at istasyon ng PCG ang kani-kanilang assets para masiguro na magagamit ang lahat ng kagamitan sa search and rescue operations.
Ipinabatid ni Balilo na sa Metro Manila, uubra silang magpakalat ng 20 response groups na makatutulong sa relief operations tuwing may kalamidad at pagbaha.
Puwede aniyang ipadala ang nasabing response group sa mga distrito lalo na sa National Capital Region, Central Luzon, Batangas at sa Bicol Region kung kinakailangan ng karagdagang puwersa o tulong.
By Meann Tanbio