Tinanggal na ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang red tide warning sa baybayin ng Bolinao, Pangasinan.
Dahil dito, maaari nang maghango at magbenta ng lamang-dagat ang mga residente nang walang anumang banta sa kanilang kalusugan.
Gayunman, may limang baybayin pa sa bansa ang nananatiling positibo sa red tide.
Kabilang dito ang Dauis at Tagbiliran City sa Bohol; Dumanguillas Bay sa Zamboanga del Sur; coastal water ng Milagros sa Masbate; Litalit Bay; San Benito; Surigao del Norte; at Lianga Bay sa Surigao del Sur.
Kaya paalala ng BFAR sa mga residente sa mga nabanggit na lugar na iwasan munang maghango at kumain ng lamang-dagat.