Hindi na palalawigin pa ng Commission on Elections (COMELEC) ang panahon para sa paghahain ng certificate of candidacy (COC) at certificate of nomination and acceptance (CONA) sa 2019 midterm elections.
Ayon kay COMELEC Chairman Sherriff Abbas, nagpalabas na ng resolusyon ang COMELEC en banc kung saan nakasaad na hanggang Oktubre 17 na lamang maaaring maghain ng COC at CONA.
Matapos nito, agad naman aniyang magsasagawa ng evaluation ang COMELEC Law Department para matukoy ang mga kuwalipikadong kandidato at mga nuisance o panggulo lamang.
Samantala, maaari namang makapaghain ng substitution ang mga kandidato hanggang Nobyembre 29.
Una nang inihayag ni COMELEC Spokesman Director James Jimenez na nakatakda silang magpalabas ng opisyal na talaan ng mga kandidato para sa 2019 elections sa Disyembre kasabay na rin ng pagpapaimprenta na ng mga balota.