Dapat umanong kanselahin ang certificate of candidacy (COC) ni dating senador Bongbong Marcos dahil sa pagsisinungaling nito kaugnay sa kinakaharap nitong conviction o isang pormal na deklarasyon na ang isang tao ay nagkasala at hinatulan mula isang hurado o hukom.
Ayon kay Fides Lim, Spokesperson ng grupong Kapatid, hindi dapat tumakbo si Marcos sa pinaka mataas na posisyon dahil mayroon itong nilabag sa batas.
Matatandaang noong nakaraang linggo, iba’t ibang civic groups ang naghain ng petisyon para kanselahin ang COC ni Marcos dahil sa pagkabigo nitong isumite ang kaniyang income tax returns mula 1982 hanggang 1985. —sa panulat ni Angelica Doctolero