Tiniyak ng Commission on Elections (COMELEC) na dadaan sa normal na pagsusuri ang inihaing Certificate of Candidacy ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte.
Mismong si COMELEC Spokesman James Jimenez ang nagsabing ipatutupad nila ang itinatadhana ng batas hinggil sa isyu ng substitution.
Kahapon ay pormal nang naghain ng COC si Duterte sa pamamagitan ni Atty. Salvador Medialdea, kasunod ng pag-urong ng kanyang kandidatura sa pagiging Mayor ng Davao.
By Meann Tanbio