Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na kanila pa ring tatanggapin ang certificate of candidacy ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte.
Ito’y sa sandaling magbago ang isip ni Mayor Digong na tumakbo sa pagka-Pangulo kahit pa nakapaghain na ito ng kaniyang COC bilang re-electionist mayor ng Davao City.
Ayonk ay COMELEC Spokesman Dir. James Jimenez, maaari naman nilang kanselahin ang unang COC na inihain ng alkalde.
Batay sa umiiral na patakaran, maaaring boluntaryong i-atras ng mismong kandidato ang kaniyang naunang inihaing COC at palitan ng bago basta’t pasok ito sa itinakdang panahon ng paghahain ng COC.
By Jaymark Dagala