Plantsado na ang Certificate Of Candidacy ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, nilagdaan na ni Pangulong Duterte ang COC pero hindi pa malinaw kung personal itong ihahain sa Commission on Elections.
Mayroon pa naman anyang hanggang Oktubre 8 at Nobyembre 15 ang Pangulo para makapag-desisyon.
Una nang tinanggap ni Pangulong Duterte ang nominasyon ng PDP – laban Cusi faction bilang kandidato sa pagka-Bise Presidente sa 2022 election. —sa panulat ni Drew Nacino