Tinatayang animnaraang (600) mga manggagawa ng Coca – Cola Femsa Philippines ang mawawalan ng trabaho bunsod ng pag-iral ng Tax Reform Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.
Ayon sa naturang softdrinks company, ang mangyayaring mass lay-off ay dahil sa pagbabagong nagaganap sa beverage industry at business landscape sa kabuuan.
Tinukoy ng kumpanya na naging mahirap ang naturang desisyon na dumaan sa matinding assessment.
Kasabay ng pasasalamat sa kanilang naging serbisyo ay siniguro ng kumpanya na makakatanggap ng ‘separation package’ ang mga apektadong empleyado ng higit pa sa itinatakda ng batas.
Bago pa ang pagpapatupad ng TRAIN Law noong nakaraang taon, matatandaang nagbabala si Juan Lorenzo Tañada, company Director for Legal and Corporate Affairs ng kumpanya, na ang dagdag na buwis sa sweetened drinks ay magbubunsod ng mas konting kunsumo sa softdrinks na sigurado namang makakaapekto sa kanilang operasyon.