Hinihinalang nagmula sa South America ang nasabat na Cocaine sa karagatan ng Divilacan , Isabela na nagkakahalaga ng halos 80 Milyong Piso.
Sinabi ni Louella Tomas , Information Officer ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Region 2, na posibleng itinapon lamang ang Cocaine sa dagat nang maabutan ng mga otoridad ang mga nagbabalak magpuslit nito.
Giit pa ni Tomas , walang kakayahan ang mga drug lord sa Pilipinas na gumawa ng naturang illegal na droga.
Possible rin aniyang kasama ito sa na-recober na Cocaine sa Matnog, Sorsogon noong a – singko ng Enero ngayong taon.
Samantala, sinabi naman ni Police Chief Supt. Jose Mario Espino, Director ng Police Regional Office No. 2 na hindi mababago ang pagdeklara sa bayan ng Divilacan na drug-free dahil sa na-recover na Cocaine doon.
Posted by: Robert Eugenio