Natagpuan na ng mga awtoridad ang cockpit voice at flight data recorders ng bumagsak na pampasaherong eroplano sa Indonesia.
Ayon kay Indonesian Armed Forces chief Hadi Tjahjanto, mahalaga ang mga nabanggit na items upang matukoy ang posibleng naging sanhi ng trahedya.
Sinabi ni Hadi na may dalawang signal na natukoy mula sa black box ng Sriwijaya Air bago bumagsak at patuloy pa itong sinusuri.
Una nang nakita sa flight tracking data na bumulusok ang Boeing 737-500 sa dagat halos apat na minuto pa lamang matapos itong umalis ng Soekarno-Hatta international airport.
Wala umanong senyales na may nakaligtas sa 62 katao na lulan ng naturang eroplano.