Narekober na ang cockpit voice recorder ng bumagsak na EgyptAir flight 804.
Ayon sa Egyptian investigative committee, bagamat narekober nga ang cockpit voice recorder ng eroplano, na-pinsala naman ang memory unit nito na pinakaimportanteng bahagi ng recoder.
Lulan ng airbus a320 ang 66 pasahero at patungo itong Cairo mula Paris nang bumagsak sa Mediterranean noong Mayo 19.
Una ng inihayag ng Egyptian government na nahanap nila ang wreckage ng Egyptair na bumulusok sa Mediterranean sea noong nakaraang buwan.
By: Mariboy Ysibido