Bumaba ng 2.3 porsyento (2.3%) ang na-export na coconut oil ng Pilipinas sa pagsisimula ng taon dahil sa El Niño phenomenon.
Ayon kay Executive Director Yvonne Agustin ng United Coconut Association of the Philippines o UCAP, umabot lamang sa halos 60,000 metriko tonelada ang nai-export na coconut oil ng Pilipinas sa buwan ng Enero ngayong taon kumpara sa halos 70,000 metriko tonelada noong 2015.
Sa pagtaya ng PAGASA, posibleng abutin hanggang sa unang semestre ng taon ang nararanasang El Niño sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Ipinaliwanag ni Agustin na naapektuhan ng naranarasang tagtuyot ang produksiyon ng kopra kaya’t hindi maiwasang bumaba ang nailuwas na coconut oil sa ibang bansa.
Kasabay nito, inihayag ni Agustin na nagtakda ang industriya ng coconut oil ng mababang export target ngayong taon na aabot lamang sa 750,000 metric tons.
By Jelbert Perdez | Monchet Laranio