Patuloy na nakikipag-ugnayan ang Council of Private Educational Associations Philippines (COCOPEA) sa Department of Education (DepED) hinggil sa pagbibigay ng Go Signal ng ahensya sa mga pribadong paaralan na magpatupad ng flexible option.
Nagpaabot ng pasasalamat si COCOPEA Managing Director Joseph Noel Estrada sa kagawaran at hindi aniya sila bibitaw sa partnership sa pamahalaan para makapag-aral ang mga estudyante.
Maliban dito, tiwala rin sila na magiging beneficial sa mga estudyante bilang complimentary sa face-to-face classes ang opsiyon na ibinigay ng DepED sa private schools tulad na 5 araw na in person classes, blended learning modality at full distance learning.
Magugunitang, nakatakdang ipatupad ng DepED ang 100 % face to face classes sa lahat ng paaralan sa susunod na buwan.