Dapat samantalahin at gamiting pagkakataon ng pamahalaan na maisulong at igiit ang soberenya ng Pilipinas sa pinagtatalunang teritoryo sa West Philippine Sea.
Ito ang inihayag ni Senate Minority Leader Franklin Drilon kasunod ng kaniyang panukalang pagbuo sa isang code of conduct sa West Philippine Sea sa kasagsagan ng ASEAN Summit dito sa bansa.
Giit ni Drilon, dapat tandaan ng pamahalaan na may nakuhang paborableng desisyon ang Pilipinas mula sa inihain nitong protesta laban sa China sa International Arbitral Tribunal.
Dapat din aniyang sundin ng mga ASEAN member states kabilang na ang China ang code of conduct kung saan dapat ibatay sa naipanalong kaso ng Pilipinas sa International Court of Arbitration.
By: Jaymark Dagala / Cely Bueno