Itinanggi ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano na mahina ang Code of Conduct Framework na pinagtibay ng ASEAN-China Foreign Ministers.
Ito ang sagot ni Cayetano sa harap ng mga inaning batikos ng framework dahil hindi nakasaad ang Arbitral ruling ng UN Tribunal ang reclamation at militarization activity ng China pinag-aagawang isla sa South China Sea.
Ayon kay Cayetano, ang inendorsong framework ay makatotohanang paraan upang makamit ang Code of Conduct.
Binigyang diin ni Cayetano na ang isinusulong ng Pilipinas at iba pang ASEAN Leaders ay legally binding na Code of Conduct.
Aniya sa maayos na negosasyon ng ASEAN at China ay makakamit na sa wakas ang matagal ng inaantay na Code of Conduct in the South China Sea.
Inilarawan naman ng DFA Chief na “logical prerequisite” ang mga inilatag na kundisyon ng China para sa pagbuo ng Code of Conduct.
By Meann Tanbio