Handa ang China na makipagtulungan sa ASEAN o Association of Southeast Asian Nations para sa pagpapatupad ng declaration on the conduct of parties sa South China Sea.
Ayon kay Chinese Foreign Ministry Spokesman Geng Shuang, handa rin ang China na mapasailalim pa ang maritime practical cooperation kasunod ng bubuing code of conduct na nauna nang napagkasunduan.
Inaasahang matatapos na pagbalangkas sa code of conduct sa kalagitnaan ng taon.
Kinilala naman ni Geng ang naging mahalagang papel ng Pilipinas bilang ASEAN chairman at ang pagsisikap nito na mas mapalago pa ang rehiyon.
Dahil aniya sa naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang chairman’s statement at sa pagkakaisang posisyon ng iba pang bansa sa ASEAN ay lumamig ang tensyon sa mga pinag-aagawang teritoryo.
By Rianne Briones
Code of conduct sa South China Sea susundin ng China was last modified: May 4th, 2017 by DWIZ 882