Tiniyak ng DFA o Department of Foreign Affairs na matatapos na ang gulo sa mga pinag-aagawang teritoryo sa South China o West Philippine Sea.
Ito’y ayon kay DFA Acting Spokesman Robespierre Bolivar ay sakaling matalakay na ang actual code of conduct sa South China Sea bago matapos ang chairmanship ng Pilipinas sa ASEAN o Association of Southeast Asian Nations.
Inaasahan na aniyang mai-eendorso na ngayong linggong ito ang framework ng code of conduct kasabay ng ika-50 ASEAN Foreign Ministers Meeting.
Binigyang diin pa ni Bolivar, iba ang kasalukuyang code of conduct sa nilagdaan ng ASEAN at China noong 2002 hinggil sa declaration on the conduct of parties sa nasabing usapin.
By Jaymark Dagala | ulat ni Raoul Esperas (Patrol 45)