Nakataas na ang code white alert sa lahat ng DOH-retained hospitals at regional offices sa buong bansa bilang paghahanda kaugnay sa paggunita ng All Saints’ at All Souls’ Day.
Ayon kay Health Sec. Janette Garin sa ilalim ng code white, lahat ng medical teams ay nakaantabay para sa agarang mobilisasyon.
Dapat ring tiyakin na lahat ng hospital manpower tulad ng general at orthopedic surgeons, a-nesthesiologists, internists, at nurses, ay handang tumugon sa anumang emergency situations.
Ang implementasyon ng code white ay magtatagal hanggang sa Nobyembre 2.
By Mariboy Ysibido