Inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na suspendido ang number coding scheme ngayong araw, kasabay ng ika-36 na anibersaryo ng Edsa People Power Revolution.
Nauana nang nag-abiso ang MMDA magkakaroon ng programa sa People Power Monument simula alas-8 hanggang alas-9 mamayang umaga.
Sa kabila ng nito, hindi naman isasara ang ilang bahagi ng kalsada, partikular sa Edsa–White Plains.
Pinakiusapan naman ng MMDA ang mga motorista na umiwas muna sa naturang lugar upang hindi maabala. —sa panulat ni Mara Valle