Kadalasang nag-aalala ang mga magulang kaugnay sa masasamang epekto ng video games sa kanilang mga anak, ngunit alam niyo ba na may magandang maidudulot din ang paglalaro nito?
Batay sa pinakabagong pag-aaral sa US na inilabas ng Jama Network Open kung saan tinutukan nito ang detrimental effects ng video games sa depression at aggression.
Matapos ang isinagawang statistical methods, lumabas na bumuti ang working memory ng mga video gamers.
Nag-improve din ang attention at memory ng mga video gamers batay sa Functional Magnetic Resonance Imaging (FMRI).
Gayunman, ang nasabing pag-aaral ay limitado lamang sa maliit na bilang ng participants, partikular ang mga may kinalaman sa brain imaging.