Itinalaga ng Armed Forces of the Philippines si Col. Gerry Pulohanan bilang bagong pinuno ng AFP Human Rights Office.
Si Pulohanan ay naging kahalili ni Major General Jose antonio Carlos Motril na itinalaga naman bilang hepe ng Office of the Internal Auditor ng AFP noong Disyembre ng nakaraang taon.
Nagtapos ng bachelor laws and letters sa San Sebastian College si Pulohanan.
Bukod dito kumuha din ang opisyal ng international law of military operations course sa defense institute of international legal studies and legal and legislative support system course sa National Defense College of the Philippines.
Tiniyak naman ng pamunuan ng AFP na responsable ang kanilang hanay sa kanilang pagsasagawa ng mga operasyon bilang respeto sa umiiral na human rights and international humanitarian law.
Posted by: Robert Eugenio