Isang liham mula sa National Bureau of Investigation (NBI) na nagpapatunay na nagtatrabaho si Marine Lieutenant Colonel Ferdinand Marcelino sa ahensya bilang anti-drugs operative ang isinumite sa Department of Justice (DOJ).
Ito ay makaraang bigong maisiwalat ni Marcelino sa pagdinig kahapon ang dahilan kung bakit ito nasa shabu storage nang ma-raid iyon noong Enero.
May petsa ang nasabing liham na January 26, 2016, limang araw makaraan ang drug raid, ngunit kahapon lamang ito isinumite ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA.
Sa nasabing liham, sinasabing nagbibigay si Marcelino ng mga impormasyon hinggil sa paggawa, bentahan, at distribusyon ng iligal na droga.
Lumalahok din umano si Marcelino sa mga anti-drugs operation ng NBI.
Una nang hinimok ni Marcelino na sumailalaim sa lie detector test ang PNP Anti-Illegal Drugs Group maging ang PDEA dahil sa iba-iba umanong pahayag ng mga umaresto sa kanya.
By Avee Devierte