Maghaharap ngayong araw ang NCAA Champ Colegio de San Juan de Letran at NAASCU Champ St. Clare College para sa PBA D-League na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum.
Pangungunahan ng Season 97 rookie mvp na si Rhenz Abando, kasama sina Fran Yu, Louie Sangalang, Ira Bataller, Tommy Olivario, at Pao Javillonar ang Wangs-Letran Knights Team, sa ilalim pa rin ni champion coach Bonnie Tan.
Bukod sa Letran at St. Clare, maglalaro din ngayong araw sa PBA D-League ang Marinerong Pilipino, CEU Scorpions, AMA Online Teams, Ecooil-La Salle, Builders Warehouse-UST, at Apex Fuel-San Sebastian.