Inanunsyo ng Pamunuan ng Colegio de San Lorenzo sa Quezon City na tuluyan na itong magsasara.
Ito anila ang napagdesisyunan ng kanilang Board of Trustees, dahil na rin sa “Financial Instability” at “Lack of Economic Viability” na dulot ng COVID-19 pandemic.
Bukod pa ito sa mababang bilang ng enrollees.
Tiniyak naman ng eskuwelahan na kanilang ibabalik ang mga fees na binayaran ng mga mag-aaral na nag-enroll para sa School Year 2022-2023.
Tutulungan din ng institusyon ang mga estudyante sa pag-transfer sa ibang paaralan sa pamamagitan ng pag-release ng kanilang records at credentials.