Inimbitahan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang college student na kritiko umano ni Senador Bong Go.
Ito umano ay para maipaliwanag ang panig ng naturang estudyante at tumugon naman ito.
Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang estudyante maging tungkol sa reklamo laban sa kanya.
Samantala, ayon naman sa NBI Cybercrime Division, maaga pa para magbigay ng detalye ukol sa reklamong kinakaharap ng naturang estudyante dahil kasisimula pa lang umano ng kanilang imbestigasyon.