Patay ang isang 19 anyos na College Student matapos turukan ng lethal drug injection ng boyfriend nito para “tapusin ang paghihirap’ sa utah hotel sa US.
Kinilala ang biktima na isang international student mula sa china na nag-aaral sa University of Utah habang ang suspek naman ay si Haoyu Wang, 26 years old.
Batay sa imbestigasyon, nakatanggap ang mga otoridad ng isang email mula sa suspek kung saan nakasulat rito na tinurukan ni wang ng nasabing droga ang biktima.
Nahaharap naman ang suspek sa kaukulang kaso. - sa panulat ni Airiam Sancho