Hindi naitago ni dating Bayan Muna Rep. Neri Colmenares ang kanyang pagkadismaya.
Ito’y makaraang paboran ng Korte Suprema ang pagbasura sa kasong plunder na inihain nila laban kay dating pangulo ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Colmenares na patunay lamang ang sistema ng “justice delayed is justice denied” sa Pilipinas dahil sa haba at tagal ng pagdinig sa isang kaso.
Bahagi ng pahayag ni dating Bayan Muna Representative Neri Colmenares
Aminado si Colmenares na wala na silang magagawa pa para mai-apela ang desisyon ng High Tribunal.
Gayunman, may panawagan ang dating mambabatas kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Bahagi ng pahayag ni dating Bayan Muna Representative Neri Colmenares
By Jaymark Dagala | ChaCha