Mariing tinutulan ni Congressman Neri Colmenares ang panukalang pagbibigay ng emergency powers kay President-elect Rodrigo Duterte, para solusyunan ang problema sa trapiko.
Ayon kay Colmenares, ang pagkakaroon ng maayos na mass transport system ang unang-unang makakatulong para mabawasan ang problema sa trapiko.
Hindi din aniya kailangan ng emergency powers para mapabilis ang pagpapatupad ng mga programa ng pamahalaan, kundi political will.
Bahagi ng pahayag ni Congressman Neri Colmenares
Vs. Abu Sayyaf
Naniniwala si Congressman Neri Colmenares na hindi kailangan ni President-elect Rodrigo Duterte ng emergency powers para labanan ang Abu Sayyaf.
Ayon kay Colmenares, ito ay dahil mas mahalagang linisin muna ang hanay ng mga sundalo na idini-deploy sa mga bundok para labanan ang mga rebelde.
Sinabi ni Colmenares na para magtagumpay sa pakikipaglaban sa mga rebelde, kailangang maialis din ang mga nasa hanay ng sundalo na nagsisilbing protektor ng mga ito.
Bahagi ng pahayag ni Congressman Neri Colmenares
By Katrina Valle | Ratsada Balita