Resolusyon sa imbestigasyon sa mga basurang itinambak ng Canada sa bansa, posibleng buhayin
Posibleng buhayin ng Bayan Muna sa Kongreso ang resolusyong nagpapatawag ng imbestigasyon sa mga basurang itinambak ng Canada sa bansa.
Ayon kay dating Bayan Muna Partylist Representative Neri Colmenares, aantabayanan muna nila kung agad na itong maipapabalik ng kasalukuyang administrasyon sa Canada o kaya ay matupad agad ang pangako ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau na babawiin nito ang kanilang mga basura.
Matindi ang naging panghihinayang ni Colmenares na hindi nakakuha ng suporta sa Aquino administration ang kanyang resolusyon gayung limampung (50) container ng basura ng Canada ang itinambak dito sa Pilipinas.
Nagtaka din ako kasi dapat ‘yung last Congress may resolution dyan, suportahan ng Malakanyang ang imbestigasyon dyan, kasi binabangon natin ‘yung ating prestige kahit papaano.
Hindi naman tayo tambakan ng basura.
Sayang, kung naimbestigahan sana talaga ‘yun at least klaro ang posisyon natin.