Nakapagtala na ng kauna-unahang kumpirmadong kaso ng coronavirus disease (COVID-19) ang mga bansang Colombia at Slovakia.
Ayon sa Colombian Health Ministry, isang 19 na taong gulang na estudyante ang unang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa kanilang bansa.
Bumiyahe anila ito ng Milan Italy at bumalik ng Bogota noong February 26 at dinala sa ospital noong Marso 2.
Samantala, isa namang 52 taong gulang na pasyente ang unang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Slovakia.
Ayon kay Slovakia Prime Minister Peter Pellegrini, bumisita ang nabanggit na pasyente sa Venice, Italy.
Maging ang anak na lalaki aniya ng pasyente ay nakitaan din ng mga sintomas.
Dahil dito, ipinag-utos na ng Slovakia ang pagpapatupad ng indefinite ban ng mga biyahe ng eroplano mula Bratislava patungong Italy.