Arestado ang isang Colombian national matapos mahulihan ng 8 milyong pisong halaga ng hinihinalang cocaine sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA.
Ayon kay Ismael Fajardo Jr., hepe ng Philippine Drug Enforcement Agency – Metro Manila, inabangan nila sa NAIA ang suspek na kinilalang si Alberto Pedraza Quijano makaraang timbrehan sila ng US Homeland Security sa plano nitong magpuslit ng droga sa bansa.
Nakuha kay Quijano ang 79 na rubber pellets ng droga nang isalang siya sa x-ray exam sa Pasay General Hospital.
Sinabi pa ng NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group, maaaring miyembro ng international drug syndicate si Quijano at matagal na nitong modus na lunukin ang mga droga upang maipuslit sa bansa.
Isasailalim naman sa drug test si Quijano habang dadalhin naman sa laboratory ng PDEA ang mga drogang nakumpiska sa kanya.
Colombian Drug Courier Alberto Quijano Pedraza Swallowed P9 Million worth of cocaine Arrested at Ph. airport @dwiz882 @ppsamedia pic.twitter.com/rai6clzzxR
— raoul esperas (@raoulesperas) November 13, 2017
(Ulat ni Raoul Esperas)