Itinutulak ng pamunuan ng SBMA o Subic Bay Metropolitan Authority ang paglalagay ng color coding o pagkulay sa mga produktong gasolina at diesel fuel na lalabas dito para mapigilan ang smuggling.
Ginawa ni SBMA Chairman Martin Diño ang mungkahi kasunod ng bigong importasyon ng 200,000 metric tons ng refined sugar mula Thailand at kasabay na rin ng pagdedeklara niya ng giyera laban sa mga smuggler.
Giit ni Diño, ginagamit ng mga smuggler at tiwaling opisyal ng pamahalaan ang Subic bilang entry point para sa mga fuel products na tinatayang bilyong piso ang halaga.
Dahil dito, nais pamarkahan ni Diño ang lahat ng gasoline at diesel fuel products bago ilabas sa SBMA na mabisang panlaban sa sinasabing talamak na smuggling sa kanyang nasasakupan.
By Jelbert Perdez