Magpapatupad ng color coding ang Commission on Elections sa pagtukoy sa mga itinuturing na hotspots sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.
Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, magtatalaga sila ng apat na kulay para madetermina ang estado ng isang lugar kung saan berde ang kulay para sa mga lugar na walang nakikitang problema.
Dilaw naman ang kulay kung ang lugar ay may kasaysayan ng political violence o karahasan.
Orange naman kung may prisensya ng armadong grupo sa partikular na lugar habang pula naman para sa mga lugar na kritikal ang sitwasyon.
Sinabi ni Jimenez na manggagaling sa Philippine National Police ang pagtukoy sa sitwasyon ng bawat lugar na may kinalaman sa eleksyon.