Itinuturing ng Philippine Army na maagang pamasko ang paglalabas ng Pangulong Rodrigo Duterte ng Executive Order 03, na nagpapataas ng kanilang Combat Duty Pay at Combat Incentive Pay.
Ayon kay Army Spokesman col. Benjamin Hao, nakakapag pataas ng morale ng mga sundalo ang naturang hakbang at lalo nilang magagampanan ng maayos ang kanilang misyon.
Sa ilalim ng naturang executive order, mula sa dating 500 Piso kada buwan ay itataas na ang combat duty pay ng mga nasa combat zone sa Tatlong Libong Piso.
Ang combat incentive pay naman para sa mga sumasabak sa bakbakan ay itinaas sa 300 Piso kada araw, mula sa dating 150 Pesos.
By: Katrina Valle / Jonathan Andal