Nasa Pilipinas na ang combat bell AH – 1s Cobra helicopter na donasyon ng Jordan.
Ayon sa Philippine Airforce, naka-himpil na sa Major Danilo Atienza air base sa Sangley Point, Cavite ang isa sa attack helicopter.
Pinangunahan naman ni 15th Strike Wing Commander, Brig. Gen. Aristotle Gonzalez ang pagsalubong sa naturang aircraft.
Ito anya ang unang helicopter ng 15th strike wing kaya’t nagpapasalamat sila sa lahat ng nagtrabaho at tumulong upang mapabilis ang pag-acquire sa nasabing military asset.
Ang cobra helicopter ay makakatuwang ng md-520mg helicopter ng 20th attack squadron.