Ipapalabas na ngayong buwan ng Pebrero ang comeback project ni Julia Montes.
Sa unang pagkakataon, ipinasilip na ang ilang detalye ng action-drama mini series na may pamagat na “24/7.”
sa trailer ng mini series na produksiyon ng Dreamscape Entertainment, sumabak si Montes sa matinding aksyon at drama.
Gagampanan ni Montes ang papel ng isang security officer na nakatalaga sa isang pagamutan kung saan magkakaroon ng virus outbreak at tatamaan nito ang kanyang anak.
Makakasama ni Montes sa serye sina Joross Gamboa, J.C. Santos, Arjo Atayde, Joem Bascon, Pen Medina, Meryll Soriano , Melissa Ricks, at marami pang iba.