Tinatayang 2 milyon ang nagparehistro para sa barangay at Sangguniang Kabataan elections na isasagawa sa Oktubre 31.
Ito’y sa labinlimang araw na voter registration na nagtapos noong Sabado.
Ayon kay Commission on Elections (COMELEC) Chairman Andres Bautista, ang susunod nilang hakbang ay palawigin ang preparasyon partikular sa project of precincts kung saan tutukuyin ang mga precinct assignment ng voters at board of election tellers o mga gurong mangagasiwa sa halalan.
Magkakaroon anya ang certificates of candidacy ng isang section kung saan titiyakin ng mga SK candidate na wala silang kaanak na halal na opisyal.
Binalaan naman ni Bautista ang mga SK candidate na posibleng ma-diskwalipika o mapatalsik sa pwesto kung maling impormasyon ang kanilang inilagay sa COC na nakatakda namang ihain simula Oktubre 3 hanggang 5.
By Drew Nacino