Siyamnapung porsyento (90%) nang handa ang Commission on Elections (COMELEC) para sa nalalapit na May 13 midterm elections.
Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez, ang sampung porsyento (10%) ay paghahanda na lamang sa deployment ng walumpu’t limang libong (85,000) automated machines.
Dagdag pa ni Jimenez, nakaapekto rin sa paghahanda ng poll body ang mga naganap na paglindol sa bansa.
Aniya, kung hindi lumindol ay maaaring nasa siyamnapu’t limang porsyento (95%) na ang kanilang preparedness level.
Samantala, nakatakda nang simulan ng COMELEC ang shipping ng mga balota at prayoridad ang malalayong lugar.