Handa na ang Commission on Elections para sa 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections na nakatakda sa October 30.
Ayon kay Poll Chairman George Garcia, nasa 95% nang handa ang ahensya at mag-iimprenta na lang ng mga balota para sa mga nagpa-rehistro mula December 12 hanggang January 31.
Ani Chairman Garcia, naantala ang pag-imprenta ng balota para sa batch na ito dahil sa 491,000 double o multiple registrants na tinukoy ng election registration board.
Nauna nang sinabi ni Garcia na nagsimula nang magsampa ng kaso ang poll body laban sa 7,000 indibidwal na may doble o maramihang rehistrasyon.
Gayunpaman, ipinaliwanag niya na ang mga may double registration ay maaari pa ring bumoto ngunit kailangang harapin ang mga kasong kriminal.
Humigit-kumulang 1.5 milyong bagong botante ang nakarehistro noong Enero 31.
Dahil dito, tinantiya ng COMELEC na tumaas ang kabuuang bilang ng mga botante sa 92.5 milyon.