Handa na ang Commission on Elections (Comelec) sa muling pagbubukas ng Voters Registration sa Lunes.
Para ito sa mga bagong magpapatala, na-deactivate o hindi nakaboto sa nakalipas na halalan at maglilipat ng address o magbabago ng mga personal na impormasyon.
Ayon sa Comelec, magbubukas ang kanilang tanggapan simula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon, Lunes hanggang Sabado.
Kasama rito ang pista opisyal na tatagal hanggang Hulyo 23.
Sa desisyon ng Comelec en banc, pagsapit ng alas-3 ng hapon ng Hulyo 23, ililista na ang pangalan ng mga nakapila na magpaparehistro sa loob ng 300-meter radius ng registration area.
Ang mga pangalang ito lamang ang maaaring makakahabol sa pagpapatala sa huling araw.