All systems go na ang Commission on Elections para sa filing ng certificate of candidacy simula sa Lunes, Oktubre 12.
Ayon kay COMELEC Chairman Andres Bautista, hindi na nila papayagan ang pulitiko na maghakot sangkatutak na kasama at maglalagay na lamang sila ng T.V screen sa labas ng Palacio del Gobernador sa Intramuros, Maynila upang dito na lamang panoorin ng kanilang supporters.
Una ng naghigpit ang poll body sa mga miyembro ng media na mag-ko-cover sa COC filing.
Kailangan anyang mag-apply muna ng accreditation ang mga miyembro ng media na nais mag-cover sa paghahain ng COC.
By: Drew Nacino