Inihayag ni COMELEC Commissioner George Garcia na sa ngayon ay maayos ang kanilang paghahanda para sa nalalapit na Halalan sa Mayo 9.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Garcia na malapit nang makumpleto ang pamamahagi ng election paraphernalia tulad ng balota sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Nasa higit 600,000 naman aniya ang mga balotang sisirain na kinabibilangan ng mahigit tag-300,000 defective ballots at training ballots.
Dagdag pa niya mabuti ang sitwasyon ng Overseas Absentee Voting at naresolbahan na ang mga problema na kinaharap sa mga unang araw ng botohan.
Samantala, ipinaliwanag ni Garcia ang ilan sa dahilan sa mga na-eencounter na problema sa Online Precint Finder tulad ng pagkakamali sa paglalagay ng pangalan.