Aminado ang Comelec o Commission on Elections na kakaunti lamang ang mga naghain ng kanilang COCs o Certificate of Candidacy para sa Barangay at SK elections na nakatakda sa susunod na buwan.
Ito ang pag-amin ni Comelec Spokesman Dir. James Jimenez sa kabila ng ginawang pagpapalawig para sa filing ng COCs kahapon, Abril 21.
Gayunman, sinabi ni Jimenez na naging mapayapa naman ang extension ng deadline kahapon para sa filing ng COC’S na nagsara eksaktong ala singko ng hapon.
Samantala, nagpalabas naman ng panuntunan ang Department of Interior and Local Government o DILG sa publiko para maging gabay sa kanilang mga ihahalal na kandidato sa mga barangay.
Ayon kay DILG Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño, dapat tandaan ang tatlong “M” o ang kandidatong matino, Mahusay at Maaasahan.
Huwag tayong bumoto ng isang kapitan o kagawad na sugarol, lasenggo, tapos corrupt at magnanakaw sa barangay. Pahayag ni Diño