Aminado ang Commission on Election (Comelec) na may mga mambabatas na nais ipagpaliban ang botohan sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) election na nakatakda sa Disyembre a-5.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Comelec spokesperson Director John Rex Laudiangco, na hindi ito ang kauna-unahan na may mga mambabatas na nagnanais iurong ang araw ng BSK Election.
Ayon kay Laudiangco, kung nais ng mga mambabatas na ipagpapaliban ang eleksiyon sa Disyembre, mas mainam kung agad silang maabisuhan upang hindi masayang ang kanilang puspusang paghahanda kabilang na dito ang registration, promulgate o resolution at procurement sa mga balota.