Aminado ang Commission on Elections na wala silang magagawa sa maagang pagpaparamdam ng mga kandidato sa pamamagitan ng kabi-kabilang infomercials sa radyo at telebisyon.
Sinabi sa DWIZ ni COMELEC Chairman Andy Bautista na may butas ang batas patungkol sa premature campaigning kayat hindi maaaring habulin ang mga kandidatong ngayon pa lamang ay tadtad na ng infomercials.
Ayon kay Bautista, hindi pa kasi dumarating ang pormal na campaign period kaya bentahe sa mga kandidato ang pinalalabas nilang infomercials sa ngayon.
“Ang problema po ng COMELEC, walang batas na nagbabawal dyan. Ang sinasabi ko rin parati, hayaan na ang taumbayan kung sa tingin nila sumosobra na yung mga tao na ‘yun, wag na nila iboto. Talagang may butas ang batas,” paliwanag ni Bautista.
By: Aileen Taliping (patrol 23)