Aprubado na ng Commission on Elections (COMELEC) ang petisyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) hinggil sa pamamahagi ng fuel subsidies sa mga operator at drayber.
Ayon kay Commissioner George Garcia base sa inilabas na desisyon ng Comelec En Banc, payag itong huwag isama ang pamamahagi ng ayuda sa mga public utility vehicle (PUV) drivers sa mga gawain na pasok sa election ban.
Nilinaw ni Garcia, ito ay gagawin sa ilalim ng mahigpit na mga guidelines gaya na lamang ng pagsusumite ng karagdagang dokumento ng ltfrb gaya ng listahan ng benepisyaryo na bibigyan ng ayuda.
Magugunitang, sinuspinde ng LTFRB ang pamamahagi ng ayuda sa mga drivers ng pampublikong sasakyan dahil ito’y labag sa election ban ng COMELEC.