Isinusulong ng Commission on Elections (COMELEC) at Commission on Higher Education (CHEd) ang voter education sa mga kabataan bago sumapit ang Halalan 2022.
Nakasaad sa ilalim ng Memorandum of Agreement (MOA) na nilagdaan nina COMELEC Executive Director Bartolome Sinocruz Jr. at CHEd Executive Director Cinderella Filipina Jaro, na magsasagawa ng voters’ education forum sa lahat ng Higher Education Institutions (HEI) sa bansa.
Layon nito na gawing well-informed ang mga kabataang botante sa pamamagitan ng pagtuturo ng kanilang karapatang bumoto, paano at kailan magpaparehistro, sino ang mga kandidato at ang electoral process.