Nilagdaan ng Commission on Elections at MIRU Systems Company limited ang kontrata para sa pagkuha ng bagong automated election system para sa 2025 National and Local Elections.
Pinangunahan nina Comelec Chairman George Garcia, Comelec Commissioner Rey Bulay, at Miru President Chung Jin Bok ang paglagda sa naturang kontrata.
Ayon sa comelec, sakop ng 17.99- B kontrata ang mahigit 100 machine at peripheral kabilang ang mga ballot box, laptop, at iba pang kailangan sa pag-imprenta para sa 2025 elections.
Dahil dito, tiniyak naman ng miru systems company limited na susunod sila sa “Terms of reference” ng Comelec kasabay ng paniniguro ng isang malinis at mapayapa na halalan sa 2025.
Matatandaang nagwagi sa bidding ang South Korean Company para sa isasagawang 2025 midterm elections.